
Ipipinid ang mga Mata
Posted in Poetry Please! on September 5, 2009 by akositatiSa pagbaba ng itim na telon ng kalawakan
matahimik ang pagsisiyasat ng mga matang may agam-agam…
Tila putol ang tulay ng mga salitang binibigkas ng bawat nilalang
Ang buwan at mga bituin ang siyang saksi sa mga pangyayari…
Nais mang sumigaw ng mga labi,
Naisin mang tumakbo ng mga paa,
tanging ang pagyuko ng ulo’t pagkuyom ng palad
ang siyang nagawa…
Hindi na nga ba talaga kaya ng pang-unawa?
Paano pa kaya muliing makikita ang pagsikat ng Haring Araw
kung ang oras ay nauubos sa kadiliman ng gabi?
Samantalang sa pagdating pa lamang ng bukang-liwayway…
ipipinid na ang mga mata…
Kung tutulo ang luha…
Mabubuhay kaya?
Boss DJ Jack Johnson
Posted in Uncategorized on July 3, 2009 by akositati
Badfish (Jack Johnson) When you grab a hold of me Tell me that I’ll never be set free But I’m a parasite, creep and crawl I step into the night. Two pints of booze Tell me are you a badfish too? are you a badfish too? Ain’t got no money to spend And I hope this night will never end Lord knows I’m weak Won’t somebody get me off of this reef And baby your a big blue whale I’ll grab the reef when all duck diving fails And I can swim but I wish I had never learned Cuz the water’s too polluted with germs Dive deep when it’s ten feet overhead And grab the reef, that’s underneath my bed It’s underneath my bed Ain’t got no quarrels with God, ain’t got no time to grow old Lord knows that I’m weak Won’t somebody get me off of this reef And there’s a steel train comin’ in, I would take it if I could And I would not lie to you, because Sunday mornin’ soon will come Things will be, easier to say Upon the microphone like I’m a Boss DJ I will walk up upon the stage, like it was dry land A Boss DJ ain’t nothin’ but a man No trouble, no fuss, I know why.. It’s so nice, I wanna hear the same song twice, It’s so nice I wanna hear the same song twice Nowadays all the songs on the radio, They all drive me crazy
Sa Kalawakan na aking Daanan
Posted in Poetry Please! on April 28, 2009 by akositatiSa pag-ikot ng oras, sa pagligid ng mga planeta sa araw, naglipana ang mga nagsasabwatan sa pagkabuhay ng mga tala… ’sanlibong paraan sa paghahanap ng bawat nilalang na dapat makita malihim ang mga salitang ibinibigkas nila kung kaya hindi mawala sa ulirat… Kay daming mga bagay ang sa isipa’y hinahalungkat pare-pareho lang sila, nagbibigay ng mga katagang mapag-adya… sa panahong iginugol sa pagsilip sa butas ng kalangitan wala man lamang nakitang landas o lagusan na maaaring pagdaluyan… Minsan kinausap ko ang buwan, itinanong ko kung anong dapat paniwalaan… ang nakikita ba o nararamdaman? Ngunit, ni tunog man lamang ng kaniyang hininga ay hndi ko narinig… Pati ang buwan natuto nang maglihim sa’kin… Masdan mo ako sa kalawakan, maglalakad sa ibabaw ng mga planetang daanan may dugo sa dibdib nkatarak ang punyal… Wala akong kasalanan subalit sinaksak ng nilalang na hindi ko alam mauubos na ang dugo, butas ang puso…. Pag-ibig, Panalangin, Tiwala, Pag-asa…. Muli na namang na-ulinigan mula sa kailaliman ng aking sisidlan ng gunita Bakit pa? Kapalaran ba ng mga tala? Sino ang dapat managot? Buwan o Araw ba? Lumang bagay pa rin ang katanungan… Walang sagot… walang awa… Sa dulo ng kalawakan doon ako tumungo, nagpahinga habang tumatagas ang dugo kung papaslangin din lang sana’y wag punyal ang itarak, o hindi kaya’y nilagyan ng lason ang matalim na punyal Nang sa pagpinid ng mga mata hindi na magising pa… Tala at Bituin… Pare-pareho lang talaga… Huwag mo nang abutin… huwag mo nang isipin… sa’yong aklat siguradong matatala, hindi na makukuhang mabura… kamatayan lamang ang nakahanda… Tulad ko, nilinlang… nandito at paubos na ang hininga… Kung hindi na lang sana naglakbay pa…



















